Friday, November 15, 2024

HomeNewsMahigit 1,000 delegado, sumali sa Regional Festival of Talents sa Mandaue

Mahigit 1,000 delegado, sumali sa Regional Festival of Talents sa Mandaue

Humigit kumulang 1,126 sa 2,100 delegado mula sa iba’t ibang lugar sa Central Visayas ang nasa Cebu para lumaban sa Regional Festival of Talents (RFOT).

Dalawampung dibisyon ng paaralan mula sa Cebu, Negros Oriental, Siquijor at Bohol ang maglalaban-laban para sa technolympics, Sining Tanghalan, at street dancing, bukod sa iba pang aktibidad na nagsimula nitong Hunyo 20 hanggang 23 sa hindi bababa sa 20 na iba’t ibang lugar sa Mandaue City ang host ng event ngayong taon.

Ang mga aktibidad ay libre para sa lahat ng gustong masaksihan ang mga ito.

Sinabi ni Salustiano Jimenez, Direktor ng Department of Education (DepEd) sa Central Visayas, sa pagbubukas ng RFOT noong Martes, ang RFOT ay taunang kaganapan na ginanap bago ideklara ang coronavirus disease (Covid-19) pandemic.

Ang huling pisikal na RFOT ay ginanap noong Pebrero 2019 sa Lapu-Lapu City, habang mayroon silang mga virtual presentation mula 2020 hanggang 2022.

Sinabi ni Jimenez na ang RFOT ay nakatuon sa kakayahan at talento ng mga mag-aaral.

Sinabi ni Kent Cardenio, Grade 11 student mula sa City of Naga Integrated Center for Science Technology and Arts, na sasabak sa “Oratorical Composition and Presentation” sa ilalim ng kategoryang Population Development (Araling Panlipunan), na ang kompetisyon ay isang magandang pagkakataon para sa kanya na maging pamilyar sa ibang mga mag-aaral at magdala ng pagmamalaki sa kanilang paaralan kung siya ay mananalo sa tilt.

Sinabi ni Angel Anas, Grade 9 student mula sa City of Bogo Science and Arts Academy na lalahok sa “Direk ko, Ganap mo” sa ilalim ng Sining Tanghalan (Music and Arts) category, na kinakabahan siya dahil first time niyang sumali, pero itinuring niya ang aktibidad bilang isang hakbang upang palakasin ang kanyang tiwala sa sarili.

Ang huling aktibidad, na gaganapin sa Hunyo 23, ay gagawin sa Mandaue City Sports Complex sa Barangay Centro. Dito rin mangyayari ang paggawad ng mga mananalo, Top 3 best performers, at turnover ng RFOT banner sa susunod na host.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe