Tuesday, February 25, 2025

HomeNewsMahigit 100 na baboy sa Northern Samar patay dahil sa ASF; Pamahalaang...

Mahigit 100 na baboy sa Northern Samar patay dahil sa ASF; Pamahalaang Panlalawigan nagpatupad ng Quarantine Checkpoint

Ang pamahalaang panlalawigan ng Northern Samar, sa ilalim ni Gobernador Edwin Ongchuan, ay naglabas ng isang kautusan upang pigilan ang pagkalat ng African Swine Fever (ASF) sa probinsya nito lamang Pebrero 24, 2025.

Ito ay kaugnay ng Executive Order No. 25-02-01 na nilagdaan ni Gobernador Ongchuan, na nag-uutos ng pagtatayo ng mga quarantine checkpoint sa mga hangganan ng Las Navas, Catubig, at Laoang, kung saan napansin ang pagtaas ng bilang ng mga namatay na baboy kasunod ng mga pag-ulan at pagbaha.

Isang kumpirmadong kaso ng ASF ang naitala sa Las Navas noong Enero, matapos ang confirmatory test na isinagawa ng Department of Agriculture.

Dagdag pa rito, ipinagbabawal ang transportasyon ng mga buhay na baboy, frozen at sariwang karne ng baboy, at mga processed pork products na walang tamang dokumentasyon tulad ng veterinary certificates, livestock inspection certificates, local shipping permits, at mga official receipt mula sa mga awtorisadong nagbebenta.

Ang mga lalabag sa kautusang ito ay ipipilitang ibalik ang kanilang mga produkto ng baboy, kabilang ang mga buhay na baboy, sa kanilang pinagmulan. Ang mga baboy na magpapakita ng sintomas ng ASF ay kokumpiskahin at itatapon, at ang mga gastos para sa pagtatapon ay sasagutin ng mga lalabag.

Kaugnay ng kasong ito ng ASF, ang lokal na pamahalaan ng Laoang, sa ilalim ni Mayor Hector Ong, ay naglabas din ng isang Executive Order upang i-activate ang Barangay ASF Task Force at magtayo ng mga animal quarantine checkpoint sa lahat ng entry at exit point sa munisipyo, kabilang ang mga Brgy. Oleras, Buraud, Calomotan, Aguadahan, at Doña Luisa.

Inutusan din ni Palapag Mayor Florence Batula ang mga opisyales ng mga barangay sa kanyang munisipyo na i-activate ang Brgy. ASF Task Force at Brgy. Bio Security Personnel upang pigilan ang ASF na makapasok sa kanilang lugar, lalo na’t malapit sila sa Las Navas at Laoang.

Tandaan na ang 133 na baboy na walang tamang dokumentasyon ay itinapon ng Bureau of Animal Industry (BAI), kasabay ng Allen Municipal Agriculturist Office, Philippine National Police (PNP), Philippine Coast Guard, at mga tauhan ng Local Government Unit (LGU). 

Ang mga baboy na ito ay kinumpiska noong Pebrero 18 sa Allen port. Sixty sa mga kinumpiskang baboy ay mula sa Catarman at ibabyahe patungong Hinunangan, Southern Leyte, habang 73 naman ay mula sa Lavezares at Allen at ibabyahe patungong Albay.

Panulat ni Cami

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe