Saturday, September 21, 2024

HomeNewsMagsasaka patay, isa pang sugatan sa pamamaril sa Northern Samar

Magsasaka patay, isa pang sugatan sa pamamaril sa Northern Samar

Isang magsasaka ang patay sa pamamaril at isa pa ang sugatan ng matamaan ng ligaw na bala sa isang sabong sa Pambujan, Northern Samar noong Linggo, Mayo 22, 2022.

Ayon sa ulat na nakarating sa Philippine National Police Regional Office 8 nito lamang Lunes, napag-alaman na si Remy Subalidsid, 38, ay binaril ng ilang beses ni Erwin Subalidsid, 26 gamit ang isang maikling baril.

Sugatan naman si Ronnie Francisco, 26, nang tamaan siya ng ligaw na bala.

Nangyari ang insidente dakong alas-9:30 ng umaga noong Linggo habang nanonood ang suspek at mga biktima ng “tupada”, isang ilegal na sabong sa Ynaguingayan village.

Agad namang tumakas ang suspek mula sa pinangyarihan ng krimen.

Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa likod ng pamamaril.

Source: PNA

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe