Monday, January 13, 2025

HomeMagnitude 5.2 na lindol, naitala sa Eastern Samar

Magnitude 5.2 na lindol, naitala sa Eastern Samar

Niyanig ng Magnitude 5.2 na lindol ang lalawigan ng Eastern Samar pasado alas 9 kagabi, araw ng Lunes, ika 10 ng Hulyo 2023.

Ayon sa tala ng PHILVOCS, nabatid ang episentro ng lindol sa bayan ng Llorente, Eastern Samar na may lalim na 56 kilometro.

Naitala naman ang Intensity V sa bayan ng Balangkayan, Hernani at Llorente sa Eastern Samar.

Intensity IV sa Lungsod ng Borongan, General Macarthur, Lawaan, Maydolong, Salcedo, at San Julian, Eastern Samar; sa bayan ng Dulag, Palo, Tanauan, at Tolosa, sa Leyte; sa Lungsod ng Tacloban gayundin sa Bayan ng Marabut, Samar.

Intensity III naman sa Bayan ng Can-Avid, Guiuan, Sulat, at Taft, Eastern Samar; gayundin sa Bayan ng Abuyog, Alangalang, Babatngon, Burauen, Dagami, Mayorga, Pastrana, Santa Fe, at Tabontabon sa Leyte; Bayan ng Basey, Calbiga, Lungsod ng Catbalogan, Motiong, Pinabacdao, at Santa Rita, Samar.

Habang Intensity II naman sa mga Bayan ng Arteche, Dolores, Oras, at San Policarpo, sa Eastern Samar pati na din sa Bayan ng Barugo, Lungsod ng Baybay, Capoocan, Carigara, Jaro, Leyte, at San Miguel sa Leyte.

Wala namang naitalang malaking pinsala dulot ng nasabing lindol.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe