Saturday, October 5, 2024

HomeNewsMaglive-in partner, at 3 iba pa, timbog sa buy-bust sa Bohol

Maglive-in partner, at 3 iba pa, timbog sa buy-bust sa Bohol

Kasabay ng pagkakabuwag ng isang drug den sa Tagbiliran City, timbog ang maglive-in partner at ang tatlo pa nilang mga kasamahan sa  magkatuwang na buy-bust operation ng mga tauhan ng PDEA 7 at Bohol PPO nitong Setyembre 1, 2022 sa Purok 7, Barangay Cogon, Tagbilaran City, Bohol.

Kinilala ng mga operatiba ang maglive-in na sina Ma. Cristina Salas Tan, 42; at Jeffrey Garrote Tano, 41; at ang mga kasamahan nila na sina Aldrin Abuyabor Garing, 27; Zian Lester Nunez Rana, 41; at Jeffrey Garrote Tano, 41.

Nakumpiska mula sa naturang operasyon ang siyam na pakete ng hinihinalang shabu na may timbang na 11 gramo na may estimated market value na Php74,800, bust-bust money, at drug paraphernalia.

Ang mga naaresto ay kasalukuyang nasa kostudiya ng mga operatiba at inaasahang sasampahan sa kasong paglabag sa RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe