Sunday, November 24, 2024

HomeNewsMag-ina sa Palompon, Leyte, ninakawan na pinatay pa

Mag-ina sa Palompon, Leyte, ninakawan na pinatay pa

Patay ang isang 79-anyos na babae at ang kanyang 62-anyos na anak na babae matapos  pagnakawan sakanilang bahay sa Brgy. Tinago, Palompon, Leyte.

Kinilala ang mga biktima na sina Lourdes Verano at ang anak nitong si Josefina.

Natuklasan ng mga rumespondeng pulis ang duguang katawan ng mga biktima sa kanilang sala nitong Lunes ng umaga, Setyembre 12, 2022.

Ayon sa mga awtoridad, ang mga biktima ay pinagsasaksak hanggang sa mamatay ng hindi pa nakikilalang mga magnanakaw.

Lumalabas sa inisyal na imbestigasyon na dakong alas-11 ng gabi noong Linggo, narinig ng isang kapitbahay ang sigawan ng mga biktima.

Dahil sa ingay ay sumilip sa kanilang bintana ang kapitbahay, at nakita ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na lumabas sa bahay ng mga biktima.

Sumakay ang mga suspek sa isang motorsiklo at tumakas.

Ayon sa saksi, iniulat niya ang insidente sa mga opisyal ng barangay umaga na ng Lunes.

Ayon sa asawa ni Josefina na wala sa bahay nang mangyari ang insidente, ang kanyang asawa ay may mahigit Php100,000 na tubo sa kanilang ani ng palay.

Patuloy naman ang mga awtoridad sa pagtukoy at paghahanap sa mga salarin sa naturang krimen.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe