Friday, January 10, 2025

HomeNewsMabolo Cops, pinuri ng pamunuan ng PRO7 sa pagtulong sa pagpapa-anak ng...

Mabolo Cops, pinuri ng pamunuan ng PRO7 sa pagtulong sa pagpapa-anak ng isang Ginang

Malugod na ipinahayag ng Regional Director ng Police Regional Office 7, PBGEN ANTHONY A ABERIN ang kanyang pagbati sa mga tauhan ng Police Station 4, Cebu City Police Office, sa agararang pagpapaabot ng tulong sa panganganak ng isang buntis sa loob ng kanilang istasyon noong Nobyembre 11, 2023.

Sa salaysay ng Hepe ng Mabolo, PMaj Eraño S Regidor, isang Gleecy Villastev, kasama ang kanyang asawa, sila’y dumating sa istasyon bandang 5:45 hapon at humingi ng masasakyan patungo sa pinakamalapit na hospital dahil sa naranasan na “contraction” na agad namang tinugunan ng opisyal.

Gayunpaman, nang malapit nang umalis, hindi na napigilan ni Gleecy ang panganganak. Sa pagtutulungan ng mga tauhan ng istasyon para tulungan ang ginang sa panganganak, bandang alas-6:00 ng gabi matagumpay na naisilang ang malusog na sanggol na babae.

Kalaunan, agad na dinala ang mag-ina sa malapit na pagamutan para sa karagdagan na medikal na atensyon .

“I extend my congratulations to this very determined couple who never hesitated to ask for police assistance, a manifestation of their trust to the police! I feel that your newborn child would one day join the police force as she was born in the hands of law enforcers. Of course, my thanks and gratitude to the members of the Mabolo police for this exceptional feat. We are very proud of you!”, mensahe ni PBGen Aberin.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe