Inaasahang muling magbabalik sa isla ng Boracay sa bayan ng Malay, Aklan ang pinakaunang luxury cruise ship simula noong pandemic ng 2020 nitong darating na Pebrero 13, 2023.
Ayon kay Felix Gregorio Delos Santos, Malay Tourism Officer, maglalagi ang nasabing cruise ship mula alas 9:00 ng umaga hanggang alas 6:00 ng hapon ng nasabing araw.
Ang nasabing cruis ship ay nanggaling pa sa bansang Singapore at may tinatayang 560 cruise passengers at 482 crew members.
Dagdag pa ni Delos Santos na tiyak na makakatulong sa industriya ng turismo sa isla ang pagdating ng naturang cruise ship.
Matatandaang noong wala pang pandemya ay regular ng bumibisita ang mga luxury cruise ships sa isla ng Boracay.
Samantala, ayon sa lokal na pamahalaan, tuluyan na ngang bumalik ang sigla ng turismo sa isla kung saan nakapagtala sila ng 5,000 hanggang 6,000 turista ang bumisita kada araw.