Itutuloy ng pamahalaang panlalawigan ng Leyte ang plano nitong gawing museo ang makasaysayang lumang gusali ng kapitolyo sa lungsod.
Ayon ni Leyte Governor Carlos Jericho Petilla nitong Miyerkules, Agosto 17, 2022, na ang assessment ay nagpapatuloy upang makabuo ng kinakailangang budget upang maitayo ang museo.
“Ang lumang gusali ng kapitolyo ay may magandang kasaysayan, at nais naming mapanatili ito. Marami tayong artifact sa Eastern Visayas na hindi napreserba at walang sense of history, Iipunin natin ang mga iyon. Ang target is to start the project this year,” dagdag ni Petilla.
Bukod sa gusali ng kapitolyo, gagawin ding events place ng lokal na pamahalaan ang lumang legislative building.
Ang proyekto ay bahagi ng isang malaking facelift matapos ang kapitolyo ay magtamo ng mga bitak dahil sa magnitude 6.5 na lindol noong 2019.
Ang kapitolyo ng probinsya ay ang puwesto ng Commonwealth Government of the Philippines (Okt. 23, 1944 hanggang Peb. 27, 1945) nang si Pangulong Sergio Osmeña ay naluklok noong 1944 kasama ang World War II Liberation Forces.
Siya ay nanumpa sa katungkulan ni Heneral Douglas MacArthur sa loob ng gusali sa presensya ng mga Cabinet Members, liberation forces at iba pang mga matataas na tao.
Ang pagtatayo ng neoclassical na gusali ng Leyte Provincial Capitol ay nagsimula noong 1917. Ito ay inayos at pinalawak noong 1964.
Sa unang bahagi ng taong ito, natapos ng pamahalaang panlalawigan ang bagong Leyte provincial capitol building complex na matatagpuan sa loob ng 14-ektaryang lote malapit sa bayan ng Palo.