Sunday, October 6, 2024

HomeNewsLumang dormitoryo sa Cebu City Sports Complex, tinupok ng apoy

Lumang dormitoryo sa Cebu City Sports Complex, tinupok ng apoy

Nasunog nito lamang Biyernes, Nobyembre 18, 2022 ang isang lumang dormitoryo na matatagpuan sa ikatlong palapag ng Cebu City Sports Complex.

Sa pahayag ng Cebu City Fire Office (CCFO), faulty electrical wiring ang sanhi ng sunog.

Ayon kay Fire Officer 3 Emerson Arceo, duty fire investigator ng CCFO, itinaas nila ang unang alarma alas-9:41 ng umaga matapos makatanggap ng tawag hinggil sa sunog, na nakontrol alas-9:57 ng umaga at idineklarang fire out makalipas ang dalawang minuto.

Saad pa ni Arceo, dahil sa hindi na inuukupahan ang lumang dormitoryo at walang umapula sa apoy, mabilis itong kumalat.

Tinataya namang nasa Php6 milyon ang halaga naging pinsala ng naturang insidente base sa imbestigasyo ng kinauukulang ahensya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe