Tinanghal na panalo ang Tribu Lumad Basakanon mula sa Cebu sa ginanap na Powerful Daegu Festival sa South Korea nitong ika-12 ng Hulyo 2022.
Ang grupo ay binubuo ng 23 na mga miyembro na nagpamangha sa mga hurado at manonood habang kanilang ipinapakita ang pinakatanyag na festival sa Cebu City, ang Sinulog Festival.
Ang Powerful Daegu Festival ay nilalahukan ng ibat ibang bansa sa buong mundo na taunang ginaganap sa South Korea.
Nakuha ng grupo ang gintong medalya sa International Category habang nakuha naman ng Mongolia ang silver, at special awardee naman ang Indonesia sa naturang category. Samantala nasa 8,000,000 Korean won naman ang prize pot na napanalunan ng grupo.
Isa lamang ang Tribu Basakanon sa mga Pinoy dance group na nagwagayway ng bandila ng Pilipinas sa buong mundo at nanalo sa ibat ibang kompetisyon sa ibang bansa. Kabilang na riyan ang Philippines’ Nawan Cultural Dance Troupe mula sa Zamboanga City na nanalo din ng gold medal sa European Association of Folklore Festival at ang Philippine Para Dancesport team na nakakuha ng pitong gold, apat na silver, at walong bronze medals sa Polish Open World Qualifying Round sa Lomianki, Poland.