Naghahanda na ang Land Transportation Office (LTO) para sa deployment ng mga enforcer nito lalo na ngayong kapaskuhan kung kailan inaasahang dagsa na naman ang mga biyahero.
Ayon kay LTO Chief Assistant Secretary Jay Art Tugade, kabilang sa tututukan ng ahensya ngayon ang paghihigpit sa pagpapatupad ng Republic Act 10586 o ang Anti-Drunk and Drugged Driving Act of 2013.
Paalala nito, lubhang delikado ang magmaneho ng lango sa alak dahil maaari itong magdulot ng aksidente.
Para naman mapaigting ang operasyon sa lansangan ay planong i-recalibrate ng LTO ang mga breath analyzer para magamit ng enforcers sa mga checkpoint.