Thursday, April 17, 2025

HomeLifestyleTravelLTO 7, nag-deploy ng mga tauhan sa terminal at pantalan para sa...

LTO 7, nag-deploy ng mga tauhan sa terminal at pantalan para sa Oplan Biyaheng Ayos 2025

Nagsimula na ang Land Transportation Office (LTO) sa Central Visayas sa pag-deploy ng kanilang mga tauhan sa mga pampublikong terminal at pantalan sa rehiyon nitong Biyernes, Abril 11, bilang bahagi ng “Oplan Biyaheng Ayos: Semana Santa at Summer Vacation 2025.”

Ayon kay LTO 7 Director Glen G. Galario, ang deployment ay tatagal hanggang Abril 20, Easter Sunday, upang matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero ngayong bakasyon at panahon ng Semana Santa.

“Our personnel are now visible in major public terminals and ports in the region to inspect the roadworthiness of public utility vehicles and ensure that the riding public reaches their destinations safely,” ani Galario.

Sinabi rin niya na kabilang sa mga prayoridad ng LTO 7 ang mga terminal sa Cebu, Bohol, Siquijor, at Negros Oriental, lalo na sa mga lugar na inaasahang dagsain ng mga biyahero.

Gagawin ang visual inspection sa mga pampasaherong sasakyan gaya ng bus, van, at jeep para matiyak na nasa maayos na kondisyon ang mga ito. Kung may problema, hindi muna papayagang bumiyahe ang sasakyan hangga’t hindi ito naaksyunan.

May random roadside inspections din na isasagawa bilang dagdag na seguridad sa kalsada.

Paalala sa mga driver at operator

Ayon pa sa direktor, titingnan din ng LTO kung updated ang rehistro, lisensya, at prangkisa ng mga sasakyan. Pinapaalalahanan din ang mga driver na iwasan ang mga paglabag gaya ng mga pagtanggi sa pasahero,labis o kulang na singil, hindi pagbibigay ng diskwento, at pag-operate ng mga “colorum” o walang prangkisa

“Daghan ni sila karon, mao nga ato sab ni silang gipangbantayan kay mahulog ni sila nga nag-breach sa ilang franchise. Naa puy kolurom ani nila. Atoa ning dakpon ug pahamtangan og igong silot o i-impound ang ilahang sakyanan,”dagdag ni Galario.

Hinihikayat ng LTO 7 ang publiko na magsumbong agad kung may makitang pag-abuso o paglabag sa mga terminal o sa kalsada.

Para sa reklamo, maaaring tumawag o mag-text sa LTO 7 hotline: 0962 446 0435

Source: PR/Sunstar

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

[td_block_social_counter facebook="tinigngkabisayaan" twitter="TinigKabisayaan" youtube="channel/UCC_QNm7kwd7W63yRh3raxoA" instagram="TinigNgKabisayaan" tiktok="@tinigngkabisayaan" manual_count_facebook="278" manual_count_instagram="1" manual_count_tiktok="54" custom_title="STAY CONNECTED" header_color="#dd9933"]