Ngayong araw ng Lunes bandang alas 3:00 ng umaga, ika-7 ng Oktubre 2024, ang Low Pressure Area (LPA) ay tinatayang nasa 165 km Hilagang-Kanluran ng Coron, Palawan (12.3°N, 118.7°E).
Ang Palawan, kasama na ang Kalayaan Islands at Occidental Mindoro, ay makakaranas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog dahil sa epekto ng LPA at Intertropical Convergence Zone (ITCZ).
Ang buong Visayas naman ay makakaranas ng maulap hanggang makulimlim na panahon na may mga pabugso-bugsong pag-ulan at pagkulog na dulot din ng ITCZ.
Ang Visayas, Occidental Mindoro, at Palawan, kasama ang Kalayaan Islands, ay makakaranas ng mahina hanggang katamtamang hangin mula sa timog-kanluran patungong timog-silangan, na may mahina hanggang katamtamang pag-alon sa karagatan.
Pinapayuhan ng mga awtoridad ang publiko na sundin ang mga panuntunan para sa kaligtasan at manatiling alerto sa mga posibleng pagbabago sa panahon.
SOURCE: K5 NEWS FM ILOILO
Panulat ni Pat Justine Mae Jallores