Friday, November 8, 2024

HomeNewsLoose Firearm, isinuko ng isang residente sa Antique PNP

Loose Firearm, isinuko ng isang residente sa Antique PNP

Laua-an, Antique- Isinuko ng isang residente sa mga tauhan ng 2nd Antique Provincial Mobile Force Company ang isang Caliber .22 Homemade Revolver at dalawang ammunition nitong Oktubre 2, 2022 sa Barangay Guisijian, Laua-an, Antique.

Ang naturang pagsuko ay bunga ng mas pinaigting na kampanya ng Pambansang Pulisya laban sa Loose Firearms, Explosives at Ammunition na tinaguriang “OPLAN TKAL (Tokhang Kontra Armas Luthang)” at “Armas Baylo Bugas.”

Bahagi ng programa ang pagbibigay ng isang sakong bigas sa bawat may-ari kapalit sa boluntaryo nilang pagsuko ng kanilang mga baril na walang legal na mga dokumento.

Hinimok naman ng mga awtoridad ang publiko na magkusa na dumulog sa pinakamalapit na istasyon, sakaling sila ay may mga ilegal pa na mga baril o armas upang maiwasan ang mga kasong maaaring isampa sa kanila sakaling mahulihan sila nito.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe