Tuesday, December 24, 2024

HomeNewsLokal na Pamahalaan ng Pambujan, kinondena ang pagpatay sa dalawang estudyante sa...

Lokal na Pamahalaan ng Pambujan, kinondena ang pagpatay sa dalawang estudyante sa Northern Samar

Mariing kinondena ng Lokal na Pamahalaan ng Pambujan sa pangunguna nina Mayor Felipe Sosing at Vice Mayor Ronil A. Tan ang karumaldumal na pamamaslang sa dalawang estudyante sa kanilang bayan.

Kinilala ng Pambujan Municipal Police Station ang mga biktima na sina Rommel Balasta at Zende Lobos na kapwa Grade 11 student at kapwa honor student mula sa Pambujan National High School.

Dahil dito ay nagpaabot ng pakikidalamhati ang mga nasabing lokal na opisyal sa pamilya ng mga biktima. Anila, nakikiisa sila sa hinagpis na pinagdaraanan ngayon ng mga kaanak ng mga biktima at tiniyak na patuloy itong magbabantay sa pag-usad ng kaso upang agad na maresolba ito sa lalong madaling panahon.

Matatandaan na nitong Linggo ng hapon (May 21, 2023) ay natagpuang walang buhay ang mga biktima matapos itong magtamo ng saksak sa iba’t ibang parte ng kanilang katawan.

Naganap ito sa Brgy. Uno sa naturang bayan kung saan hanggang sa ngayon ay blangko parin ang mga awtoridad sa pagkakakilanlan ng suspek.

Samantala, nanawagan naman ang LGU sa sinumang may alam na impormasyon kaugnay sa kasong ito na makipagtulungan at ipagbigay-alam sa mga awtoridad kung sino ang responsable sa naturang krimen.

Ipinabatid naman nito sa publiko na magbibigay ng tig Php50, 000 ang dalawang opisyal para sa kung sinumang makakapagturo, tetestigo at magbibigay ng tamang impormasyon para sa agad na ikalulutas ng kaso upang mabigyan ng karampatang hustisya ang mga biktima.

Sa ngayon ay palaisipan parin ang motibo sa pagpaslang sa dalawa at nagpapatuloy din ang pagsisiyasat ng mga kapulisan para sa agad pagtukoy sa pagkakakilanlan at ikadarakip ng suspek.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe