Friday, November 8, 2024

HomeNewsLocal Revenue Collection ng Calbayog City, umabot sa Php87 Million para sa...

Local Revenue Collection ng Calbayog City, umabot sa Php87 Million para sa 1st Quarter ng taon

Inihayag ng Lokal na Pamahalaan ng Calbayog City ang pagkamit nito ng nasa Php87 Million local revenue collection para sa unang apat na buwan ng taong 2023.

Ayon kay Calbayog City Mayor Monmon Uy, bahagyang mataas ito kumpara sa Php74 Million pesos na nakolekta ng City Treasurer’s Office noong nakaraang taon 2022.

Inihayag ito ng Alkalde kasabay ng pagdaraos ng Business Forum na ginanap sa Agueda’s Cafe sa Calbayog City kung saan dinaluhan ito ng mga miyembro ng business community sa naturang lungsod.

Nagpasalamat naman ang Alkalde sa tulong ng mga negosyante at mga mamumuhunan sa Lungsod dahil aniya sa malaking tulong ang kanilang buwis, gayundin ang license at mga permits sa pagkamit ng lungsod ng maayos na revenue collections.

Dahil dito, tiwala ang lokal na pamahalaan na dahil sa maayos na tax collection at local revenues ay magdudulot ito ng mas marami pang proyekto na maipatutupad sa lungsod.

“We look forward to the continued support of the business community in terms of tax payments,” pahayag ni Mayor Uy nitong Abril 25, 2023.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe