Leyte – Matagumpay na isinagawa ng mga awtoridad ang Local Peace Engagement sa Brgy. Pinamono-an, Mahaplag, Leyte noong ika-18 ng Nobyembre 2022.
Ang aktibidad ay pinangunahan ng Municipal Task Force to End Local Communist Armed Conflict o MTF-ELCAC ng Mahaplag, Leyte sa pamumuno ni Hon. Ronaldo T. Lleve, Mayor kasama ang mga tauhan ng Mahaplag Municipal Police Station at 14th Infantry (Avenger) Battalion, 802nd Infantry (Peerless) Brigade, Philippine Army.
Bilang bahagi ng programa, ipinakita ng 23 na mga dating taga suporta ng mga teroristang grupo ng CPP-NPA-NDF ang kanilang pagkondina at pagtakwil sa mga pananamantala at kasamaan ng nasabing teroristang grupo sa pamamagitan ng panunumpa at pagsunog sa mga bandila ng CPP-NPA-NDF.
Gayundin, nagkaroon ng testimonya ang mga dating rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan patungkol sa kanilang mga naging masalimuot na karanasan sa loob ng armadong kilusan.
Nagkaroon din ng libreng bunot ng ngipin, gupit at tuli, kasabay ang pamamahagi ng mga libro o aklat mula sa 802nd Infantry (Peerless) Brigade bilang bahagi ng Peacebook Program para sa mga mag-aaral ng Pinamonoan Elementary School.
Namahagi rin ng food packs para sa mga dating mga taga suporta ng nasabing teroristang grupo, at ang pamamahagi ng mga information materials patungkol sa mga panlilinlang at mga masasamang gawain nga CPP-NPA-NDF at ang programa sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o E-CLIP para sa mga dating rebeldeng nais magbalik-loob sa pamahalaan.
Dumalo naman sa nasabing programa ang iba pang ahensya at personalidad gaya ni Mr. Mark Alonzo, Municipal Administrator; Major Ronald G. Odchimar, Executive Officer, 14IB; kasama ang Community Support Program (CSP) Team ng Alpha (Achiever) Company sa pamumuno ni First Lieutenant Danilo C. Danao; Mr. Mario S. Casas, MENRO; Ms. Mariquita T. Otero, Municipal Assessor; Ms. Alma A. Lleve, Head Teacher III, Pinamono-an Elementary School; SFO2 Glenn Antonio Solis, Deputy Mahaplag Municipal Fire Marshal; Ret. Col. Reynaldo Cordero, Dentist from Burauen Leyte; 2nd Forward Support Medical Platoon; at mga residente ng Brgy. Pinamono-an, sa pamumuno ni Hon. Nelson D. Abrasada, Punong Barangay.
Naging matagumpay ang nasabing aktibidad sa suporta na ibinigay ng Barangay at Municipal Task Force ELCAC.