Thursday, November 7, 2024

HomeNewsLimitasyon at suspensyon ng mga non-essential na biyahe sa Vis-Min, ipinatupad sa...

Limitasyon at suspensyon ng mga non-essential na biyahe sa Vis-Min, ipinatupad sa Eastern Visayas

Pansamantalang sinuspendina o nagbigay ng limitasyon ang Eastern Visayas Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) sa mga byahero mula sa Visayas patungong Mindanao upang hindi maantala ang mga operasyon ng pagtugon pagkatapos ng sakuna sa Bicol region.

Sa isang memorandum na inilabas noong Lunes ng gabi, ika-29 ng Oktubre, hinihimok ng RDRRMC ang lahat ng mga ahensya at lokal na yunit ng pamahalaan na sundin ang pansamantalang suspensyon at limitasyon sa lahat ng biyahe, pati na ang mga land travel papunta at mula sa Visayas at Mindanao para sa mga hindi kinakailangang paglalakbay na hindi kaugnay sa mga operasyon ng pagtugon sa Bicol.

Nagsimula ang suspensyon nito lamang Martes, Oktubre 30, 2024 at ipapatupad ito hanggang sa ang mga aktibidad sa Bicol Region ay bumalik sa normal pagkatapos ng pinsalang dulot ng Malakas na Bagyong Kristine.

“Ang hakbang na ito ay mahalaga upang bigyang-daan ang patuloy na mga pagsisikap sa relief at pagtugon para sa mga apektadong komunidad. Iiwasan din nito ang karagdagang pagsisikip sa lahat ng mga entry at exit point ng Bicol region at Eastern Visayas,” ayon sa RDRRMC sa kanilang memorandum.

Layunin ng hakbang na ito na maibsan ang kasalukuyang kakulangan ng gasolina sa lugar, na nakakahadlang sa humanitarian assistance at mga operasyon ng disaster response.

Kasama sa pansamantalang suspensyon ang mga hindi kinakailangang paglalakbay tulad ng turismo at recreational travel, mga pagbisita para sa negosyo at korporasyon, hindi kinakailangang paglalakbay ng gobyerno, personal o pribadong gawain, komersyal na paghahatid ng mga hindi kinakailangang kalakal, at hindi kritikal na konstruksyon at maintenance travel.

Ang priyoridad para sa paglalakbay sa nautical highway ay para sa mga medikal na pag-evacuate at emergency medical response, paghahatid ng humanitarian supplies, search and rescue operations, mga crew para sa pagpapanumbalik ng utility, mga tauhan ng gobyerno at relief, suporta sa logistik para sa mga evacuation center, at reinforcement at security travel.

“Sa pagtutok sa mga kinakailangang paglalakbay, mananatiling malinaw ang mga daanan papunta at mula sa Visayas at Mindanao para sa mga sasakyang direktang kasangkot sa lifesaving at logistical support, na nagpapababa ng pagsisikip at tinitiyak ang mabilis na paghahatid ng tulong sa ating mga kababayan sa mga apektadong komunidad,” dagdag sa memorandum.

Ang Matnog ferry terminal sa Sorsogon ang exit point mula Luzon patungong Eastern Visayas, habang ang Allen Port sa Northern Samar ang entry point ng rehiyon mula Luzon.

Ang mga pantalan na ito ay bahagi ng northeastern seaboard nautical highway na nag-uugnay sa tatlong pangunahing grupo ng mga pulo sa bansa—Luzon, Visayas, at Mindanao.

Panulat ni Cami
Source: PNA

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe