Saturday, October 5, 2024

HomeNewsLimang lalaki, huli sa aktong pagnanakaw ng internet wires sa Tacloban City

Limang lalaki, huli sa aktong pagnanakaw ng internet wires sa Tacloban City

Limang lalaki ang bumagsak sa kulungan matapos mahuli sa aktong paggugupit at pagnanakaw ng mga copper wires mula sa isang poste ng kuryente sa Brgy. 23-A Gomez St, Tacloban City nito lamang Setyembre 30, 2024.

Ang mga suspek ay kinilala bilang alyas “Jerry,” 47 taong gulang; alyas Jojo, 45; alyas Willie, 42; alyas Elmer, 39; at alyas Rose, 32, lahat ay residente ng Barangay San Fernando, Basey, Samar.

Ayon sa impormasyon na nakuha ng pulisya, habang ang mga Cable Watch Operatives ng isang telecom ay dumadaan sa lugar, nakita nila ang mga suspek na naggugupit ng mga kawad na ginagamit para sa koneksyong internet.

Ang mga pinutol na kawad ay inilagay ng mga suspek sa isang sasakyan na may plaka na XRV 481.

Nang tanungin ng mga operatiba ang mga suspek, hindi sila makapagpakita ng anumang dokumento na nagpapatunay na legal ang kanilang mga gawain.

Dahil dito, dinala ang mga suspek sa Tacloban Police Station at kasalukuyan silang nahaharap sa mga nararapat na kaso.

Panulat ni Cami

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe