Friday, November 15, 2024

HomeNewsLider ng NPA sa Northern Samar, sumuko

Lider ng NPA sa Northern Samar, sumuko

Ang pagsuko kamakailan ng isang medical officer at political instructor ng New People’s Army (NPA) sa probinsya ng Northern Samar ay isang malaking pag-urong ng mga rebelde na mabawi ang mga dating naimpluwensiyahan na mga komunidad, sinabi ng Philippine Army nitong Miyerkules, Hulyo 26, 2023.

Sinabi ni Lt Col Joemar Buban, Commander ng 20th Infantry Battalion ng Philippine Army, pormal na sumuko sa kanilang headquarters sa Las Navas, Northern Samar noong Hulyo 22 si alyas “Leah”, 45, dating medical officer at political instructor ng platoon 1, front committee (FC) 15, sub-regional committee ng NPA.

Isinuko din niya ang dalawang M16 rifles, isang long magazine, tatlong short magazine, 75 rounds ng 5.56 ball ammunition, at dalawang improvised explosives.

“The continuing surrender and neutralization of the members of the NPA’s FC 15 highly contribute to the inevitable collapse of the communist terrorist groups in Northern Samar, particularly in the towns of Las Navas, Catubig, and Laoang,” sabi ni Lt Col Buban sa isang pahayag.

Ang pagsuko ng opisyal ng NPA, aniya, ay maghihikayat sa iba pang mga rebelde na talikuran ang armadong pakikibaka, na hahantong sa pagbuwag sa FC 15 at ang deklarasyon ng Northern Samar bilang insurgency-free.

Kinilala ng militar na siya ang responsable sa pananakot, pagbabanta, at mga aktibidad sa pangingikil sa mga tao at maliliit na negosyo sa mga komunidad sa Northern Samar. Nagsilbi rin siyang tagapagsalita ng Northern Samar Small Farmers Association.

Sinabi ni 2nd Lt. Joyce Ann Bayron, tagapagsalita ng 20th Infantry Battalion ng Army, sa isang panayam sa telepono na kasalukuyang nasa ilalim ng kanilang kustodiya si Leah na sumasailalim sa assessment at debriefing upang opisyal na mapakinabangan ang enhanced comprehensive local integration program ng gobyerno.

“Her surrender is a result of a series of localized peace engagements in the communities within our area of operations and the frequent calls of the local government units of Las Navas to all the families and victims of the Communist Party of the Philippines-NPA’s deceptive ideology and false promises,” dagdag ni Bayron.

Ang Las Navas, isang ikaapat na klaseng bayan sa Northern Samar na may populasyon na 38,000, ay naging sentro ng propaganda ng ilang organisasyong nakaugnay sa CPP-NPA.

Ang Northern Samar ay itinuturing na kuta ng NPA sa Eastern Visayas dahil sa hindi magandang mga kalsada, makapal na kagubatan, mataas na saklaw ng kahirapan, at mababang antas ng edukasyon sa mga komunidad sa matataas na lugar.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe