Thursday, November 7, 2024

HomeRebel NewsLider ng NPA, patay sa sagupaan sa Negros Occidental

Lider ng NPA, patay sa sagupaan sa Negros Occidental

Patay ang isang lider ng New People’s Army sa nangyaring sagupaan sa pagitan ng mga sundalo ng pamahalaan at ng mga rebeldeng grupo sa bulubunduking bahagi ng Moises Padilla sa Negros Occidental nito lamang Martes.

Kinilala ang nasawi na si Jose “Jojo” Albores, na kasapi sa Central Negros Front 1 ng Leonardo Panaligan Command at isa sa mga lider ng “kangaroo court” na siyang naatasang pumaslang sa mga pinangalanang government asset at sibilyan na ayaw magbigay ng suporta sa rebeldeng samahan.

Ayon sa ulat, bandang alas 5:30 ng umaga ng magkaroon ng sagupan ang mga tauhan ng 62nd Infantry Battalion at mga rebeldeng NPA sa Sitio Lower Tiyos, Barangay Quintin Remo ng nasabing bayan.
Narekober sa encounter site ang isang KG9 assault rifle, hand grenade, mga subersibong dokumento at personal na mga kagamitan.

Pinaniniwalaang nagsasagawa ng operasyon ang grupo ni Albores sa mga bayan ng Moises Padilla, La Castellana, at Isabela sa Negros Occidental, at Canlaon City, at Guihulngan City sa Negros Oriental.

Ayon naman kay Lt. Col. William Pesase, Commanding Officer ng 62IB, na hindi sila titigil sa pagtugis sa mga natitira pang miyembro ng rebeldeng NPA na patuloy na naghahasik ng lagim at namimirwesyo sa mga inosenteng indibidwal at mga sibilyan.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe