Friday, January 10, 2025

HomeNewsLider ng NPA, kasama sa tatlong nasawi sa engkwentro sa Leon Iloilo

Lider ng NPA, kasama sa tatlong nasawi sa engkwentro sa Leon Iloilo

Iloilo- Patay ang isang mataas na opisyal ng New People’s Army (NPA) kasama ang dalawa pang mga kasamahan nito sa sagupaan sa bayan ng Leon sa lalawigan ng Iloilo nitong Linggo, Setyembre 29, 2023.

Ayon sa mga awtoridad, ang nasawing lider ay kinilalang si Azucena Churesca Rivera o mas kilalang Rebecca Alifaro o alias Jing, residente ng Barangay Tinio-an, Cabatuan, Iloilo. Siya ay tumatayong dating secretary ng Southern Front-Komiteng Rehiyon-Panay ng NPA.

Ayon sa kanyang panganay na anak, si Alifaro ay sumanib sa rebeldeng samahan noon pang 1980. Si Alifaro ay dati nang may kinakaharap na kasong paglabag sa International Humanitarian Law, Anti-Terrorism Act of 2020, at kasong attempted murder.

Kasama umano ni Alifaro ang dalawa niyang mga kasamahan na kinilalang si Jimmy Macuna at Gerly Tejeros, nang makasagupa nila ang mga sundalo sa bulubunduking bahagi ng munisipalidad ng Leon.

Si Macuna ay isang platoon member ng NPA at residente mula sa bayan ng Sibalom, Antique, habang mula naman sa Iloilo si Tejeros na tumatayong medical/education staff ng NPA, na parehong positibong kinilala ng mga kaanak nila.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe