Thursday, November 7, 2024

HomeRebel NewsLider ng CPP-NPA-NDF na wanted sa Iloilo, arestado sa Quezon City

Lider ng CPP-NPA-NDF na wanted sa Iloilo, arestado sa Quezon City

Arestado ang isang lider ng CPP-NPA-NDF sa isinagawang manhunt operation ng mga operatiba nitong Miyerkules, Agosto 24, 2022 sa Maalalahanin Street, Teacher’s Village East, Quezon City.

Kinilala ang nasabing NPA leader na si Adora Faye De Veyra, alias Boying/Ato/Vida, residente ng Barangay Roosevelt, Tapaz, Capiz, at 16 taon ng wanted sa Iloilo.

Nasakote si De Veyra sa pinagsanib na operatiba ng Iloilo Police Provincial Office (IPPO), Calinog Municipal Police Station, at ng Regional Intelligence Division 6 (RID-6, sa bisa ng arrest warrant sa mga kasong multiple murders gamit ng explosive, at multiple frustrated murders.

Ayon pa ni Police Major Dadjie Delima, Chief of Police ng Calinog Municipal Police Station, lahat ng krimen na inaakusa kay De Veyra ay nangyari lahat sa sa bayan ng Calinog noong 2005.

Si De Veyra ay dating Staff General Command ng Communist Party of the Philippines (CPP)-NPA; dati rin siyang Deputy Secretary ng KR-Panay; RED, KR-Panay; at Secretary of the Central Front. Siya ang asawa ni Jessie Lipura, miyembro ng l Central Committee.

Dagdag pa ni Delima na nakakulong na sa ngayon si De Veyra sa Calinog MPS habang inaantay pa ang nararapat na disposisyon para sa kanya.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe