Thursday, January 23, 2025

HomeNewsLibreng Theoretical Driving Course, matagumpay na naisakatuparan ng mga awtoridad sa Iloilo

Libreng Theoretical Driving Course, matagumpay na naisakatuparan ng mga awtoridad sa Iloilo

Dahil sa malasakit at inisyatibo ng mga awtoridad ay matagumpay na naisakatuparan ang libreng 2-Day Theoretical Driving Course (TDC) nito lamang ika-20 ng Disyembre 2024, sa Igbaras Municipal Hall.

Pinangunahan ito ng ating mga alagad ng batas katuwang ang Lokal na Pamahalaan ng Igbaras sa pamumuno ni butihing Hon. Atty. Vicente E. Escorpion Jr., Municipal Mayor, at ni Hon. Hermogenes Eulatic, SB Member/Chairperson ng Committee on Traffic Management.

Kasama rin ang mga opisyal ng Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) mula sa Brgy. Indaluyon, at Habal-Habal Drivers Association ng Brgy. Indaluyon.

Ang kursong ito ay isinagawa sa tulong ng Land Transportation Office (LTO) Region VI, sa pangunguna ng mga dalubhasang tagapagsanay na sina G. Bernard C. Bacay at G. Ryan John A. Apalacio mula sa Regional Drivers Education Center ng Traffic Safety Unit ng LTO RO6.

Mahigit 100 kalahok mula sa mga barangay ng Indaluyon, Cale, Anilawan, Igcabugao, Signe, Igtalongon, Taytay, at Buenavista ang nakibahagi sa aktibidad, labis ang galak ng mga naka kuha ng slot sa Kursong ito.

Sa huling araw ng pagsasanay, sumailalim ang mga kalahok sa pagsusulit upang sukatin ang kanilang natutunan mula sa mga aralin ng nakaraang araw.

Pagkatapos nito, iginawad sa kanila ang mga sertipiko ng pagkumpleto.
Layunin ng programang ito na itaas ang kamalayan ukol sa kaligtasan sa lansangan at palaganapin ang tamang disiplina sa pagmamaneho.

Sa pamamagitan ng inisyatibong ito, mas inilapit ng mga awtoridad ang mga paraan upang mgakaroon ng lisensya ang mga residente sa nasabing lugar, mas malalim na nauunawaan ng mga kalahok ang mga batas-trapiko, tamang gawi sa pagmamaneho, at ang kahalagahan ng responsableng asal sa kalsada.

Ang tagumpay ng kursong ito ay nagpatibay sa layunin ng ating kapulisan, LGU Igbaras, Brgy/SK Officials, Igbaras MPS, at LTO Region VI na bawasan ang mga aksidente sa kalsada at mapabuti ang disiplina sa trapiko sa buong rehiyon.

Sa pagtatapos ng aktibidad, iniwan nito ang positibong epekto sa komunidad at nagbigay-daan sa isang mas ligtas na kapaligiran sa pagmamaneho para sa lahat ng residente ng Igbaras, Iloilo.

SOURCE: RPSB TEAM IGBARAS
Panulat ni Justine

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe