Tuesday, December 24, 2024

HomeEntertainmentCultureLechon Festival, muling gaganapin sa The Mactan Newtown sa Cebu sa ika-4...

Lechon Festival, muling gaganapin sa The Mactan Newtown sa Cebu sa ika-4 na pagkakataon

Muling idaraos sa ikaapat na magkakasunod na taon, sa The Mactan Newtown ang Cebu’s Grandest Lechon Festival, na kung saan  pinagsama-sama ang mga pinakamahuhusay na lechoneros mula sa Cebu Province. Dito ibibida rin sa  mga bisita ang sikat na Cebuano delicacy at ang iba pang mga kapana-panabik na pagtatanghal ang kanilang masasaksihan.

Mula Agosto 4 hanggang Agosto 7, masasaksihan ng mga bisita mula sa iba’t ibang panig ng bansa ang inaabangang Live Lechon Roasting at kanilang matitikman ang ipinagmamalaki ng mga Cebuano na “Lechon” mula sa mga tanyag na gumagawa ng lechon sa Cebu kabilang ang Ayers Lechon, Lerd’s Lechon, My Papart’s, Cebu’s Tasty Lechon, Cebu’s Original Lechon Belly, Imong’s Lechon, Magellan’s Lechon, ZubuChon, Jojo and Mikai’s Lechon, at San Roque’s Lechon.

Maaaring simulan ng mga bisita ang kanilang araw sa pamamagitan ng pakikisaya sa  Beat at Rhythm ng pagdiriwang sa Mactan Alfresco, Cebu. Mayroon ding grand drum show na nagtatampok ng mga talento ng mga lokal na grupo at kabilang rin ang pagtatanghal ng kultura ng mga Cebuano, isa na rito ang Sinulog at Kadaugan sa Mactan, isang reenactment ng makasaysayang Labanan sa Mactan; Sinulog Dance; at Rampada Dance.

Ang Live Lechon Roasting, na gaganapin sa Lechon Pit sa Mactan Alfresco, Cebu ay talagang magpapa-wow sa mga bisita dahil masasaksihan nila kung paano inihanda ang sikat na Cebu Lechon ng mga pinakamahuhusay na roasters sa bayan.

Bibigyang kulay naman ang gabi ng pagdiriwang sa pamamagitan ng isang masiglang Fire Dance at isang nakakabighaning Fireworks Display.

Ang Cebu Lechon Festival ay kasabay din ng gaganaping The Ironman 70.3 Race Challenge, na idaraos din sa The Mactan Newtown.

Tiniyak naman ng organizer ng Festival na handa sila sa anumang uri ng aberya na maaaring mangyari sa kalagitnaan ng selebrasyon.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe