Monday, November 25, 2024

HomeNewsLand survey sa housing site para sa mga ex-rebels sa Negros Oriental,...

Land survey sa housing site para sa mga ex-rebels sa Negros Oriental, sinimulan na

Sinimulan na ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Negros Oriental ang pagsu-survey ng isang 13-ektaryang lupang pag-aari ng gobyerno sa bayan ng Basay para sa isang proyektong pabahay para sa mga former rebels (FRs).

Ayon kay Manuel Galon, provincial agrarian reform officer, ang pagsu-survey ay kasalukuyang ginagawa sa Barangay Bongalonan, na dating tinirhan ng CDCP Mining Corporation.

“The survey will determine the area for 100 houses and a communal garden for the beneficiaries,” paliwanag ni Galon.

Ang proyekto ay naglalayong mapakinabangan ng 93 dating miyembro ng New People’s Army (NPA) na sumuko sa gobyerno nitong mga nakaraang taon.

Bawat benepisyaryo ay makatatanggap ng 200-square-meter na lote para sa kanilang tahanan, habang pitong karagdagang bahay ang nakalaan para sa iba pang FRs na sumasailalim pa sa beripikasyon. Bibigyan din ang mga benepisyaryo ng mga titulo ng lupa o Certificates of Land Ownership Award.

Ang proyekto, na sinimulan ng Task Force to End Local Communist Armed Conflict (TF-ELCAC) sa panahon ng yumaong Gobernador Roel Degamo, ay nagkaroon ng paunang pondo na PHP60 milyon.

Target ng DAR-Negros Oriental na isagawa ang groundbreaking ceremony para sa kauna-unahang proyektong pabahay para sa mga dating rebelde sa Negros Oriental sa Nobyembre 26.

Source: PNA

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe