Thursday, December 26, 2024

HomeNewsLamrag Giant Lantern Festival sa Eastern Samar, muling nagbabalik pagkatapos ng 2...

Lamrag Giant Lantern Festival sa Eastern Samar, muling nagbabalik pagkatapos ng 2 taon

Can-Avid, Eastern Samar – Sa kabila ng bigat ng tropical cyclones at pagkalugmok sa epekto ng pandemya, idinaos ng Can-avid, Eastern Samar ang 5th Lamrag Giant Lantern Festival noong Biyernes, Disyembre 10, 2022.

Daan-daang mga residente at mga tao mula sa mga kalapit na munisipyo ang pumila sa mga lansangan patungo sa town plaza sa gitna upang saksihan ang pag-iilaw ng mga higanteng parol upang simulan ang pagdiriwang ng Pasko dito.

Sinabi ni Municipal Mayor Vilma Germino na bawat isa sa 28 barangay ay nagpakita ng kanilang mga higanteng parol na gawa sa mga recyclable materials tulad ng plastic cups, spoons, at bottles para isulong ang solid waste management.

Ang Local Government Unit, na naglalayong isulong ang turismo ng bayang ito, ay ang nag-organisa ng una at pinakamalaking lantern festival sa Eastern Visayas sa loob ng limang taon mula noong 2017.

Ang taunang tradisyon ay itinigil dahil sa pandemya noong 2020 at 2021.

Gayunpaman, itinulak ni Mayor Germino na isagawa ang pagdiriwang ngayong taon bilang isang paraan upang mapanatili ang mga tagumpay na sinimulan ni yumaong dating Mayor Gil Norman Germino.

“Ang mga higanteng parol na ito tulad ng Tatlong Hari na ginabayan ng mga bituin kay Hesus, ay magsisilbing gabay natin tungo sa kaunlaran,” mensahe ni Mayor Germino.

Sinabi din ng Mayor na ang mga mananalo at kalahok na barangay ngayong taon ay tatanggap ng mahigit Php2 milyong halaga ng cash at mga proyekto.

Ang mga mananalo ay iaanunsyo sa Disyembre 29, habang ang exhibit ay magtatagal hanggang sa Feast of the Epiphany sa Enero 6, 2023.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe