Sunday, October 6, 2024

HomeNewsLalaking nasa Regional Target List, nahulihan ng Php374K halaga ng shabu sa...

Lalaking nasa Regional Target List, nahulihan ng Php374K halaga ng shabu sa buy-bust operation

Arestado ng mga miyembro ng Philippine Drug Enforcement Agency ng Central Visayas (PDEA 7) at Inayawan Police Station ang isang lalakeng nasa regional target list sa isinagawang buy-bust operation sa Sitio Villa Bulsita sa Barangay Bulacao, Cebu City pasado hatinggabi Lunes, Mayo 8, 2023 .

Kinilala ang drug suspect na si Jay Marron Abayon, 35-anyos. Nakuha sa kanya ang 55 gramo ng white crystalline substance na pinaniniwalaang shabu na may standard price na Php374,000.

Ayon kay Leia Alcantara, PDEA 7 Information Office, tatlong buwan silang nagsagawa ng case build-up laban kay Abayon.

Batay sa kanilang natanggap na impormasyon, maaaring nakapaglabas ang suspek ng nasa 50 gramo ng iligal na droga kada linggo sa Bulacao at mga karatig barangay nito na kanyang area of distribution.

Si Abayaon ay naaresto dahil sa iligal na droga noong 2019, ngunit siya ay pinalaya at isinailalim sa probation.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe