Patuloy na iniimbestigahan ng kapulisan ang insidente ng pamamaril na ikinasawi ng isang lalaki sa Brgy. Cogon, Guiuan, Eastern Samar, noong Nobyembre 28, 2024.
Nakilala ang biktima bilang alyas Rico, isang 58-taong-gulang na residente ng nasabing lugar.
Ayon sa kapulisan, habang ang biktima ay nasa loob ng kanyang taniman, bigla siyang pinaputukan ng suspek ng dalawang beses sa ulo.
Ayon sa mga nakasaksi, ang suspek ay nakasuot ng t-shirt at short pants, at agad na tumakas matapos magawa ang krimen.
Narekober ang dalawang basyo ng bala sa lugar ng krimen. Patuloy pa rin ang hot pursuit operation upang maaresto ang may kagagawan ng krimen.
Panulat ni Cami