Sunday, October 6, 2024

HomeNewsLalaki, patay sa pamamaril sa Calbayog City; Krimen, sapul sa CCTV

Lalaki, patay sa pamamaril sa Calbayog City; Krimen, sapul sa CCTV

Patay ang isang construction worker matapos malapitang barilin sa ulo sa Calbayog City, umaga ng Lunes, August 29, 2022.

Kinilala ng mga awtoridad ang biktima na si Roy Wahingon, 33 anyos, residente ng Brgy. West Awang, Calbayog City.

Sa kasalukuyan ay hindi pa tukoy kung sino ang mga salarin sa naturang krimen.

Makikita sa CCTV footage na habang naglalakad ang biktima sa bahagi ng Rueda St., Brgy. East Awang upang pumasok sa trabaho kasama ang kapwa trabahador ay biglang sumulpot sa likuran nito ang mga salarin at saka pinutukan sa ulo gamit ang hindi pa tukoy na kalibre ng baril.

Agad ding tumakas ang mga suspek patungo sa bahagi ng Diversion Road.

Patuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa nangyaring krimen.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe