Sunday, July 7, 2024

HomeNewsLalaki patay sa pamamaril sa Calbayog City

Lalaki patay sa pamamaril sa Calbayog City

Patay ang isang lalaki nang pagbabarilin sa tapat ng Clyder’s Bakeshop sa Purok 4, Brgy. Hamorawon, Calbayog City pasado alas 7:00 ng gabi noong Linggo, Hunyo 5, 2022.

Kinilala ng pulisya ang biktima na si Rolan Casogaw, 25 anyos, residente ng Brgy. Balud sa nabanggit na lungsod.

Nagtamo ang biktima ng tama ng bala ng kalibre 9mm na baril sa ibat ibang bahagi ng kanyang katawan dahilan ng agaran nitong pagkasawi.

Narekober din ng mga awtoridad sa crime scene ang mga basyo ng bala na ginamit sa pagpatay kay Casogaw.

Patuloy namang iniimbestigahan ng Calbayog City Police Office ang motibo ng krimen at ang pagkakakilalanlan ng suspek.

Source: Infinite Radio Calbayog FB Page | https://web.facebook.com/IRcalbayog247/photos/pcb.593796792352293/593793439019295/

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe