Saturday, September 21, 2024

HomeNewsLalaki, natagpuang patay matapos makuryente sa Cebu

Lalaki, natagpuang patay matapos makuryente sa Cebu

Isang 23-anyos na lalaki ang natagpuang patay sa tabi ng kalsada sa Don Gil Garcia Street, Barangay Capitol Site, Cebu City pasado alas-12 ng hatinggabi nitong Miyerkules, Hulyo 13, 2022.

Ang biktima ay kinilalang si Erwin Capili ng B. Rodriguez Street, Barangay Sambag 2, Cebu City at wala ng buhay nang dumating ang mga tauhan ng Emergency Medical Services.

Laking gulat naman ng live-in partner ng biktima na si Mary Rose Vitualla, 22 taong gulang, matapos ipaalam sa kanya ang naturang insidente.

Bandang alas-7 ng gabi noong Martes nang lumabas ang kanyang asawa sa kanilang bahay upang maghanap ng pagkain para sa hapunan at para sa kanilang anak na babae ngunit hindi na nakabalik.

Ayon kay Police Master Sergeant Jeptha Jumawan ng Abellana Police Station 2, hindi pa nila natutukoy ang dahilan ng pagkamatay ng biktima dahil walang nakasaksi sa insidente dulot ng pagbuhos ng ulan noong Martes ng gabi.

Naniniwala ang pulisya na nakuryente ang biktima dahil sa sumbrero na sumabit sa wire ng kuryente sa itaas niya.

Sinabi ni Jumawan na maaaring umakyat si Capili sa puno malapit sa electrical wire ngunit nahulog at tumama ang katawan sa wire dahilan para makuryente.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe