Sta. Fe, Leyte- Kulungan ngayon ang bagsak ng isang lalaki matapos nitong patayin ang sariling kapatid dahil lamang sa away sa lupa sa Sitio Maslog, Brgy. Tibak, Sta. Fe, Leyte nitong Biernes, Oktubre 13, 2023.
Kinilala ang biktima na si Ramil Opiniano Lantajo, na napag-alamang tinaga sa ulo ng kanya mismong kapatid na kinilala namang si si Edgar Capiyoc y Opiniano, residente ng Brgy. Dapdap Alang-alang, Leyte.
Lumalabas sa pagsisiyasat na ang itak na dala mismo ng biktima ang ginamit ng suspek sa pagtaga at pagpatay sa kanyang kapatid sa kalagitna-an ng malawak na taniman.
Humingi naman ito ng kapatawaran mula sa pamilya ng biktima.