Saturday, October 5, 2024

HomeNewsLalaki, arestado sa panggagahasa sa sariling pamangkin sa Cebu City

Lalaki, arestado sa panggagahasa sa sariling pamangkin sa Cebu City

Arestado ang isang 32-anyos na lalaki na inakusahan ng panggagahasa sa kanyang 11-anyos na pamangkin sa Sitio Kadasig Phase 1, Barangay Tisa, Cebu City noong gabi ng Biyernes, Oktubre 21, 2022.

Ang naarestong suspek ay kinilalang si alyas “Franklyn” na nahuli sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng mga operatiba ng Operation Detection Section ng Criminal Investigation and Detection Group sa Central Visayas (CIDG 7) sa pamumuno ni Police Captain Fritz Blanco.

Ang naturang warrant of arrest ay inisyu ni Hon. Judilyn Hugo Tapia-Menchaves, Judge Seventh Judicial Region Branch 8 ng Toledo City, midwest Cebu.

Nahaharap din si Franklyn sa apat na bilang ng acts of lasciviousness na may piyansang P200,000 sa bawat bilang.

Gayunpaman, sa interogasyon ng pulisya inamin ni Franklyn ang krimen.

Pagbubunyag nito, nangyari ang insidente noong Mayo nitong taong nang pumunta sila ng kanyang biyenan sa bayan ng Aloguinsan, midwest Cebu, kung saan nakatira ang dalaga. Dagdag niya, lasing din siya nang mangyari ang insidente.

Matapos ang pangyayari ay agad naman na nagsumbong ang biktima sa kanyang lolo, na siyang ipinaalam sa kanyang mga magulang tungkol sa insidente.

Kasama ang biktima, agad na isinangguni ng mga magulang nito ang pangyayari sa pulisya.

Naitala si Franklyn bilang Top 1 Most Wanted Person sa lalawigan ng Cebu at ngayon ay kasalukuyang nakakulong sa CIDG 7 Regional Headquarter.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe