Thursday, December 26, 2024

HomeNewsLalaki, arestado sa pagnanakaw ng tricycle sa Tacloban

Lalaki, arestado sa pagnanakaw ng tricycle sa Tacloban

Arestado ang isang lalaki matapos mahuli sa aktong nagnanakaw ng tricycle bandang alas-2:30 ng madaling araw noong Nobyembre 17, 2024.

Nakilala ang suspek na si alyas Ben, 40 taong gulang, isang construction worker na residente ng Brgy. 77, Fatima Village, Tacloban City. Ang ninakaw na trycicle ay pag-aari ni alyas Nato, 49 taong gulang, isang residente ng Barangay 28, Paterno Street, Tacloban City.

Ayon sa mga ulat, bandang alas-2 ng madaling araw, narinig ng biktima na may nagpaandar ng kanyang tricycle na nakaparada sa gilid ng kalsada.

Nakita ito ng biktima mula sa bintana ng kanyang bahay at nakumpirma na isang lalaki ang tumangay ng kanyang tricycle. Agad siyang lumabas ngunit nakatakas na ang suspek na nagmamaneho ng tricycle patungo sa Barangay 50, Independencia Street.

Hinabol ito ng biktima at nakatagpo ng isang PNP mobile patrol car na nagpapatrolya sa lugar. Humingi ng tulong ang biktima sa mga pulis, kaya’t naharang at nahuli ang suspek.

Naibalik na ang tricycle sa may-ari at ang suspek ay nakulong na at haharap sa kasong paglabag sa RA 10883 (Anti-Carnapping).

Panulat ni Cami

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe