Saturday, October 5, 2024

HomeNewsLalake patay sa pamamaril sa Calbayog City

Lalake patay sa pamamaril sa Calbayog City

Calbayog City – Dead on the spot ang isang lalaki habang nakipag-inuman at nanonood ng sayawan sa isang basketball court sa Brgy. Cacaransan, Calbayog City nito lamang Huwebes, Agosto 25, 2022.

Kinilala ang biktima na si Wilfredo Potente Jr., residente ng Brgy. Dagum, sa nabanggit na lungsod.

Sa pagsisiyasat ng mga awtoridad, nagtungo sa basketball court si Potente dahil sa ginaganap na sayawan bilang bahagi ng pagdiriwang ng kapistahan sa lugar.

Sa gitna ng pakikipag-inuman nito ay may lumapit na dalawang lalaki mula sa kanyang likuran saka siya pinaulanan ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis na tumakas ang dalawang hindi pa nakilalang mga salarin na kapwa nakasuot ng jacket at face mask.

Kasalukuyan ng nagsasagawa ang Calbayog City Police ng imbestigasyon upang malaman ang motibo sa krimen at madakip na rin ang mga suspek.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe