Friday, November 15, 2024

HomeNewsLaban kontra malnutrisyon, inilunsad sa Samar at Northern Samar

Laban kontra malnutrisyon, inilunsad sa Samar at Northern Samar

Ang Philippine Multisectoral Nutrition Project (PMNP) na pinondohan ng World Bank (WB) ay inilunsad ngayong linggo sa mga lalawigan ng Samar at Northern Samar habang pinalalakas ng gobyerno ang paglaban sa malnutrisyon.

Ang paglulunsad ay ginanap sa Northern Samar noong Hulyo 26 at sa Samar noong Hulyo 28.

Ito ang dalawa sa apat na lalawigan sa rehiyon na itinuturing na prayoridad kasunod ng mataas na kaso ng malnutrisyon, sinabi ni DOH Eastern Visayas Regional Director Exuperia Sabalberino sa isang pahayag noong Biyernes, Hulyo 28, 2023.

“Over the course of the program, the PMNP aims to deliver a coordinated package of nutrition-specific and nutrition-sensitive interventions involving the different local government units, partner government agencies, and development partners,” sabi ni Sabalberino.

Sa lalawigan ng Samar, kasama ang mga bayan ng Almagro, Basey, Calbiga, Daram, Gandara, Hinabangan, Marabut, Matuguinao. Motiong, Pagsanghan, Pinabacdao, San Jorge, San Jose de Buan, San Sebastian, Sta. Margarita, Sta. Rita, Sto. Nino, Tagapalu-an, Tarangnan, Villareal at Zumarraga.

Sa Northern Samar, ang mga sakop na bayan ay Biri, Capul, Gamay, Laoang, Las Navas, Lope de Vega, Mapanas, Palapag, Pambujan, Rosario, San Roque, Silvino Lobos, Victoria, at Lavezares.

Ang mga target na benepisyaryo ng PMNP ay ang mga buntis, mga lactating mom, kababaihan ng reproductive age, at mga batang wala pang 5 taong gulang.

Ayon sa record, sa mga lalawigan sa rehiyon, ang Samar ang may pinakamataas na prevalence ng malnutrisyon sa 16.67 percent, sinundan ng Eastern Samar (15.46 percent), Northern Samar (15.10 percent) at Leyte (14.99 percent).

Hindi bababa sa 63,655 batang wala pang limang taong gulang sa Eastern Visayas ang mabagal ang paglaki dulot ng mahinang nutrisyon, sinabi ng National Nutrition Council, na binanggit ang 2022 monitoring reports mula sa mga local government units.

Noong Hunyo 22, 2022, inaprubahan ng Board of Executive Director ng World Bank ang isang USD178.1 milyon na pautang upang suportahan ang mga pagsisikap ng mga bansa na labanan ang malnutrisyon sa bansa.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe