Friday, November 15, 2024

HomeNewsKonstruksyon ng Flood Control Structure sa lungsod ng Calbayog, sinumulan nang itayo

Konstruksyon ng Flood Control Structure sa lungsod ng Calbayog, sinumulan nang itayo

Ibinahagi ng Samar First District Engineering Office sa isang panayam nitong Biyernes, Hunyo 30, 2023 na nagpapatuloy ang konstruksyon ng estruktura na pangkontrol ng baha sa mga daluyan ng tubig ng Calbayog City.

Ayon sa ulat ng DPWH, pinunduhan ang nasabing proyekto ng Php75.36 million sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA) FY 2023.

Dagdag pa ng Samar First District Engineering Office na titiyakin ng naturang proyekto ang proteksyon ng mga residente laban sa pag-apaw ng tubig sa panahon ng malakas na pag-ulan.

Ang nasabing estruktura na may 484.5 meters na may taas na tatlong metro at 1.2 metrong lapad na walkway na unang pinunduhan ng Php56.20 million para sa konstruksyon.

Samantala, kasalukuyan namang nagpapatuloy ang ikalawang phase ng flood control structure sa Barangay Carmen na may contract amount na Php19.16 million.

Layunin ng proyekto na magbenisyo ang nasa 8,698 residente na maprotektahan ito sa anumang banta ng pagbaha dulot ng masamang panahon lalo na sa mga tahanang nakatirik laban sa pag-apaw ng tubig at posibleng pagguho ng lupa sa naturang lugar.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe