Tuesday, December 24, 2024

HomeNewsKongreso nangako na magpasa ng 10 priority bill sa Hunyo 2

Kongreso nangako na magpasa ng 10 priority bill sa Hunyo 2

Sampung priority bill ang pinagtibay para maipasa sa Hunyo 2 ngayong taon sa unang Executive Committee Meeting ng Legislative-Executive Development Advisory Council (LEDAC) sa Malacañang noong Lunes, Peb. 13, 2023.

Ang LEDAC ay nagsisilbing consultative at advisory body kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr., Chairman ng National Economic and Development Authority Board, sa mga programa at patakarang mahalaga sa pagsasakatuparan ng mga layunin ng national development agenda.

Kabilang sa mga priority measures na ipapasa sa Hunyo 2, ang pagtatapos ng unang regular na sesyon ng 19th Congress, ay ang Amendments sa Build-Operate-Transfer Law/Public-Private Partnership bill, Medical Reserve Corps, Philippine Center for Disease Prevention at Control, paglikha ng Virology Institute of the Philippines, at Mandatory Reserve Officers Training Corps at National Service Training Program.

Ang Condonation of Unpaid Amortization at Interests of Loans of Agrarian Reform Beneficiaries, Internet Transactions Act/E-Commerce Law, Maharlika bill, Attrition law/AFP Fixed Term at ang Salt Industry Development Bill ay kabilang din sa mga nangungunang hakbang na nakatakdang maipasa ngayong Hunyo.

Sa kanyang 2022 State of the Nation Address, binanggit ni Marcos ang mga priority bill na mahalaga sa pagpapatupad ng mga plano at programa ng administrasyon para sa bansa, partikular na ang eight-point socioeconomic agenda.

Siyam na miyembro ng Gabinete ang dumalo sa Ledac meeting, na pinangunahan ni Executive Secretary Lucas Bersamin sa Premier Guest House sa Malacañan Palace.

Dumalo rin ang sampung kinatawan ng sangay ng lehislatura, sa pangunguna ni Senate President Juan Miguel Zubiri at House Speaker Ferdinand Martin Romualdez.

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe