Sunday, July 7, 2024

HomePoliticsFormer Rebel NewsKoneksyon ng Kabataan Partylist sa CPP-NPA-NDF, ibinunyag

Koneksyon ng Kabataan Partylist sa CPP-NPA-NDF, ibinunyag

“Kayong mga taga Samar pumunta na kayo ng kanayunan, humawak ng armas para sa armadong pakikibaka”. Ito diumano ang hindi makakalimutan ni Jade Cinco na pang-uudyok ni Sarah Elago representante ng Kabataan Partylist sa mga kasapi ng nasabing partylist na mamundok na at mag-NPA.

Ipinahayag ito ni Jade Cinco alyas Ka JR, dating squad leader ng headquarters’ platoon ng NPA sa Sub Rehiyon ng Browser sa Samar; noong Marso 28, 2022 sa press conference ng NTF-ELCAC.

Si Ka JR ay dati ring medical officer ng NPA at dating Secretary-General ng Kabataan Partylist sa Samar.

Galit na galit si Ka JR sa mga dati niyang kasamahan at tinawag niya itong mga sinungaling dahil kasa-kasama niya ang mga ito at makakapal daw ang mukha na mag-akusa ng red-tagging sa NTF-ELCAC gayung alam naman niya at marami pang mga matataas na opisyal ng CPP-NPA-NDF ang totoong koneksyon.

Matatandaang umani ng 2 milyon views ang live coverage ng naturang press conference sa loob lamang ng isang araw. Subalit tinanggal ng Facebook ang nasabing bidyo. ###

Panooring muli ang full video ng naturang presscon.

Video credits: Presidential Communications at RTVM

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe