Nagpahayag ng pagkabahla ang Local Government Unit ng Matuguinao sa Samar sa mga pagtatangka ng New People’s Army (NPA) na bawiin ang limang dating naimpluwensiyahan na mga barangay. Kamakailan lang nang ang mga ito ay nakontrol ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagsisikap ng Task Force to End Local Communist Armed Conflict (TF-ELCAC).
Ayon kay Mayor Aran Boller, sa isang panayam sa telepono nitong Martes, September 13, 2022, may mga napabalitang pagtatangka sa recruitment sa ilang malalayong komunidad ng kanilang bayan nito lamang.
Sinabi na rin ng mga residente sa pamahalaang munisipyo ang presensya ng mga armadong lalaki sa malalayong barangay ng San Roque, Inubod, Carolina, Ligaya, at Del Rosario.
Ang nasabing mga punong barangay ng limang komunidad na ito ay nauna nang naalis sa pananakot ng NPA at nagpasyang manatili sa bahay ng kanilang mga kamag-anak sa sentro ng bayan dahil sa takot sa pag-atake ng mga rebelde.
Ang limang punong barangay na ito ay kabilang sa 118 dating miyembro ng NPA at masugid na tagasuporta na tumugon sa panawagan ng alkalde na sumuko at nangako ng kanilang katapatan sa gobyerno noong February 19, 2021.
Ang malalayong mga barangay na ito ay kasama sa listahan sa pagpapatupad ng Barangay Development Program (BDP) ngayong taon. Noong Disyembre 2021, binawasan ng Senado ang BDP budget sa Php4 milyon lamang mula sa Php20 milyon para sa bawat barangay.
“Sa pagbawas sa budget ng BDP, makakapagtayo lang tayo ng ilang silid-aralan at makapag-set up ng water system. Ang aming panukala ay magtayo ng mga access road upang mapabilis ang paghahatid ng mga serbisyo na kalaunan ay magwawakas sa insurhensya,” dagdag ni Boller.
Kahit na may pagbawas sa budget, sinabi ni Boller na dapat magtulungan ang mga alkalde para wakasan ang insurhensiya dahil sila ang mga tagapangulo ng municipal task force ELCAC.
“Dapat magkaroon ng collaborative efforts at whole-of-nation approach para wakasan ang insurhensya dahil hindi lang nananatili sa isang lugar ang mga miyembro ng NPA. Kung ang mga opisyal sa ibang bayan sa Samar at Northern Samar ay walang pagsisikap na wakasan ang armadong tunggalian, ito ay palaging makakaapekto sa amin”, dagdag pa ni Boller.
Umapela din ang alkalde sa national government na gawing prayoridad ang TF-ELCAC na magbibigay daan sa pag-unlad ng malalayong komunidad.