Wednesday, January 15, 2025

HomePoliticsSectoral NewsKKDAT institutionalization ordinance tuluyan ng ipinasa sa Iloilo City

KKDAT institutionalization ordinance tuluyan ng ipinasa sa Iloilo City

Iloilo City-Tuluyan ng ipinasa ng Local Government Unit ng Iloilo City ang Regulation Ordinance No. 2022-231 “An ordinance Adopting and Institutionalizing the Kabataan Kontra Droga at Terorismo (KKDAT) Program of the Philippine National Police through the Sangguniang Kabataan (SK) Iloilo City” na magbibigay daan sa Kabataan Kontra Droga at Terorismo na maging institusyonal sa lahat ng 180 barangay na sakop ng nasabing lungsod.

Ang naturang ordinansa ay inakdaan ni KKDAT Regional President, Ryan Dave L. Estrella at ni Iloilo City Sanggunian Kabataan Federation President, Miss Leila G. Luntao, na isa rin sa nag-isponsor sa nabanggit na ordinansa.

Samantala nagpasalamat naman si Region VI-KKDAT President Estrella sa bumubuo sa Local Government ng Iloilo City sa suporta nito sa organisasyon, pati na rin kay Mark Unlu-cay, KKDAT Regional President of Region VIII, na siyang naging gabay at batayan sa pagbuo ng nasabing ordinansa.

Positibo rin ang grupo na maipapatupad din ang naturang ordinansa hindi lang sa lungsod ng Iloilo, pati na rin sa buong Rehiyon VI.

Source: KKDAT-Western Visayas

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe