Thursday, November 7, 2024

HomeNewsKinatawan ng PNP Western Visayas, bumisita sa Negros Occidental para sa itatayong...

Kinatawan ng PNP Western Visayas, bumisita sa Negros Occidental para sa itatayong pasilidad ng PRO-NIR 

Isang site visitation at coordinating meeting ang naganap sa pagitan ng kinatawan ng Central Philippine State University Campus at mga awtoridad sa Barangay Camingawan, Kabankalan City, Negros Occidental nito lamang ika-29 ng Agosto 2024. 

Ang pagpupulong na ito ay tungkol sa donasyon ng lupain para sa pagtatayo ng pasilidad at mga opisina para sa mga awtoridad sa Kabankalan City. 

Kasama sa nasabing coordinating meeting sina Mayor Benjie Miranda ng Kabankalan City, PBGen Jack L. Wanky, Regional Director ng PRO6 at mga tauhan nito.

Tinatayang 10 ektaryang lupain ang inilaan at idinonate ng Central Philippine State University (CPSU) para sa pagtatayo ng PRO-NIR Headquarters. 

Bukod dito, may karagdagang 100 ektarya ng lupain na inilaan para sa mga residente na masasakupan ng itatayong regional office. 

Ang hakbang na ito ay inaasahang magbibigay ng mas mataas na antas ng seguridad at serbisyong pampubliko sa buong Negros Island Region.

Ito ay naglalayong palakasin ang ugnayan ng pamahalaan at mamamayan sa Negros Occidental sa pamamagitan ng mas pinahusay na serbisyo mula sa mga awtoridad.

Patuloy ang mga programa ng mga tagapag patupad ng batas upang matiyak ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga komunidad, tungo sa Bagong Pilipinas.

Source: K5 News Kabankalan 

Panulat ni Justine 

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe