Thursday, January 16, 2025

HomeNational NewsKatapangan ng namatay na pulis sa Cebu, binigyang pagkilala ng PNP

Katapangan ng namatay na pulis sa Cebu, binigyang pagkilala ng PNP

Kinilala ng Philippine National Police (PNP) ang “katapangan at katapatan sa sinumpaang tungkulin” ng isang pulis na namatay sa anti-drug operation sa bayan ng Consolacion sa Cebu.

Si Police Staff Sergeant Careby Clyde Alinsug, 32, ay binaril ng isang drug suspect sa operasyon ng pulisya, Linggo ng gabi, Hunyo 5 taong kasalukuyan sa nasabing bayan.

Ang suspek na si Reynaldo “Tatskie” Ydil, ay nabaril naman sa kanyang hideout sa Barangay Busay, Cebu City ilang oras matapos mabaril si Alinsug.

Si Alinsug ay nakatalaga sa Consolacion Police Station at kabilang sa mga operatiba na nagsagawa ng anti-drug operation laban kay Ydil at sa dalawa pang mga suspek.

Ilang beses na binaril ng suspek si Alinsug na sinubukan pang gumanti ng putok ngunit hindi na nakatama dahil siya sa mga sugat na natamo nito. Sugatan din ang police asset na si Gibson Tibon Cadampog sa insidente.

“Ang himpilan ng PNP ay buong pusong nakikiramay sa pamilya ni PSSg Alinsug na nagpakita ng katapatan sa kanyang bansa sa pamamagitan ng pagtupad nito sa kanyang mga tungkulin bilang alagad ng batas. Namatay siya habang nilalabanan ang kriminalidad na nakasaad sa kanyang sinumpaang tungkulin. Rest assured na ibibigay ng PNP ang mga kinakailangang benepisyo sa kanyang naulilang pamilya,” ani PNP officer-in-charge Lieutenant General Vicente Danao Jr. sa isang pahayag.

Sinabi pa ni Danao na hindi mawawalan ng kabuluhan ang mga sakripisyo ni Alinsug, “dahil ito ay magsisilbing gabay para sa organisasyon na itaguyod ang pangunahing tungkulin nito na pagsilbihan at protektahan ang bansa.”

Samantala naka half-mast naman ang watawat ng Pilipinas sa Cebu Police Provincial Office bilang  pagluluksa sa hindi inaasahang pagpanaw ni Alinsug.

Source: https://www.sunstar.com.ph/article/1931288/manila/local-news/pnp-recognizes-courage-of-slain-cebu-cop

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe