Thursday, January 23, 2025

HomeEntertainmentCultureKasalan sa Barangay, isinagawa sa Aklan

Kasalan sa Barangay, isinagawa sa Aklan

Dalawampu’t apat na magkasintahan ang masayang nangako ng kanilang pagmamahalan sa isang Catholic mass wedding na pinamagatang “R-PSB Project Kasalan Sa Barangay” katuwang ang Pamahalaang Lokal ng Libacao at Saint Catherine of Alexandria Parish na ginanap sa Multipurpose Pavement ng Barangay Manika, Libacao, Aklan nito lamang ika-26 ng Setyembre 2024.

Layunin ng inisyatibong ito na magbigay ng solusyon sa mga magkasintahang matagal nang nagsasama nang walang basbas ng anumang sibil o relihiyosong seremonya.

Samantala, sa ngalan ng mga bagong kasal, at ng buong pamayanan ng mga Katutubong Mamamayan (IP) ng nasabing lugar na itinuturig bilang Geographically Isolated and Disadvantaged Area (GIDA), ipinaabot ng mga awtoridad ang kanilang taos-pusong pasasalamat sa mga naging susi ng tagumpay ng nabanggit na okasyong lalo na sa Pamahalaang Lokal ng Libacao, sa pangunguna ni Hon. Charito I. Navarosa, Municipal Mayor, at kay Mrs. Anna Liza mLiwayway Z. Lanciso – ang Local Civil Registrar, Saint Catherine of Alexandria Parish, Libacao Development Cooperative, Manika Barangay Council, Ms. Anna Alexa Zapatos Dionela, Mayflor Bautista Carpizo at Mrs. Mary Repedro Tortuya.

Ang mga tagapag patupad ng batas ay patuloy na maghahatid ng tulong at serbisyo sa komunidad tungo sa maunlad at mapayapang bansa.

SOURCE: PCADG WESTERN VISAYAS
Panulat ni Charmaine

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
157SubscribersSubscribe