Sunday, June 30, 2024

HomeNational NewsKaragdagang allowance para sa mga Guro, naisabatas na

Karagdagang allowance para sa mga Guro, naisabatas na

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr. ang batas Kabalakit sa Pagtuturo Act, na magbibigay ng mas mataas na taunang allowance bilang pagkilala sa mga sakripisyo ng mga guro sa mga nakaraang taon.

Ayon sa Pangulo, ang naaprubahang batas ay magpapagaan sa personal na pinansiyal na pasanin ng mga guro na kanilang dinadala para sa kapakanan ng mga mag-aaral at sa kanilang pagmamahal sa kanilang propesyon.

Ilang dekada na silang nagsasakripisyo gamit ang sarili nilang pera para pambili ng chalk, at iba pang kagamitan sa pagtuturo.

Naniniwala ang Pangulo na kulang sa pinansyal na aspeto ang mga guro ngunit patuloy pa rin silang nagsisikap na turuan ang mga bata gamit ang kanilang resources.

Sa kanyang talumpati sa ceremonial signing ng Kabalikat sa Pagtutoru Act, pinuri ng Pangulo ang mga guro sa pagtanggap sa kanilang mga tungkulin at responsibilidad. Pinasalamatan din niya ang House of Representatives at ang Senado sa kanilang pagsisikap na maipasa ang batas.

Hinimok ng Pangulo ang kanyang mga kapwa manggagawa sa parehong Kapulungan ng Kongreso na patuloy na tumulong sa paggawa ng mga batas at pagbuo ng pundasyon para sa Bagong Pilipinas.

Panulat ni Ummah

RELATED ARTICLES

Leave a Reply

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
156SubscribersSubscribe