Sunday, November 24, 2024

HomeNewsKapulisan ng Central Visayas, umani ng papuri!

Kapulisan ng Central Visayas, umani ng papuri!

Pinuri ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) 7 ang kapulisan ng Central Visayas sa pagkakakumpiska ng mahigit Php110 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa paglulunsad ng Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) sa loob ng tatlong araw mula Pebrero 8 hanggang 10, 2024, na nagresulta rin sa pagkakaaresto ng 214 na drug personalities sa Central Visayas.

Itinuring ni Leia Alcantara, Information Officer ng PDEA 7, na malaking tagumpay ang SACLEO sa programa ng kapulisan dahil napipigilan nito ang pagbebenta ng ilegal na droga.

Gayunpaman, sa nakikita ng kanilang pang-araw-araw na data, ang mga indibidwal na nagtangkang magpuslit ng droga sa Cebu ay nahuli dahil ang iba’t ibang ahensya ng pagpapatupad ng batas ay nagsasagawa ng walang tigil na operasyon laban sa ilegal na droga.

“Good indication na active ang ating law enforcement, pursigido pa rin sa atoang campaign. Naa puy harmonious relationship ang law enforcement nato, dili iya-iya ang operation, in fact naa tay shared data base sa PNP ug sa PDEA, naa tay gi conduct regularly nga intelligence workshop,” saad ni Alcantara.

Iginiit ni Alcantara na sa kanilang mga nakaraang anti-illegal drug operations, may naobserbahan silang mga bagong drug player na nauugnay sa isang criminal gang na nag-ooperate sa Central Visayas, na ngayon ay binabantayan ng pulisya at PDEA 7.

SOURCE: https://www.sunstar.com.ph/cebu/central-visayas-police-earn-praise-for-seizing-p110-million-shabu

RELATED ARTICLES

STAY CONNECTED

278FansLike
1FollowersFollow
54FollowersFollow
437FollowersFollow
155SubscribersSubscribe