Inatasan ng Police Regional Office 7 (PRO7) ang mga provincial commander na magplano ng mga hakbang pang-seguridad bilang paghahanda para sa paggunita ng Araw ng mga Santo at Araw ng mga Patay sa Nobyembre 1 at 2.
Ayon kay Police Lieutenant Colonel Gerard Ace Pelare, tagapagsalita ng PRO-7, sinimulan na ng Philippine National Police sa rehiyon ang mga paghahanda para sa “Kalag-Kalag 2024.”
“As we all know, this is an annual activity and we have already a security coverage in place for this one. We know how many cemeteries we have and what cemeteries are flocked with people and what cemeteries are isolated,” ani Pelare.
Inaasaang itataas ng PNP ang alert status mula normal patungong full alert ilang araw bago ang pagdiriwang.
Isasaalang-alang ng kapulisan ang mga natutunan mula sa mga nakaraang pagdiriwang upang makita kung kailangan ng mga pagbabago sa seguridad.
Gayunpaman, tiniyak ni Pelare sa publiko na magiging ligtas, secure, at tahimik ang paggunita ng Kalag-Kalag 2024.
Iniutos din ni Police Brigadier General Anthony Aberin, Regional Director, PRO7 sa mga provincial commander na tiyaking may mga help desk sa bawat sementeryo sa kanilang nasasakupan.
Source: PNA