Ngayong nasa kustodiya na ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu ang 19 na lote na inookupahan ng Visayas Command (VISCOM) sa Barangay Apas, Cebu City, plano ni Gov. Gwendolyn Garcia na paunlarin ang lugar.
Gayunman, tiniyak ni Garcia na mananatiling hindi na gagalaw ang kapilya sa loob ng Camp Lapu-Lapu.
“At saka yung dati na parade grounds, part of that i-maintain as open area. Magbutang ta diha og amphitheater, grandstand, kay gamit sad for other purposes para anha mo nagagawa sa inyong mga parade. Kay kana mga exercises ang public makakita na. That will be part of the tourist attraction sad,” saad ng gobernadora noong Huwebes, Peb. 23, 2023 bago ang paglagda sa memorandum of agreement sa Department of National Defense (DND) Lunes, Peb. 27, sa ‘Turnover’ ng mga lote.
Dahil gusto ng VISCOM na ang Cebu ang maging recruitment center nito sa Visayas at Mindanao, sinabi ng gobernador na magtatayo ang Pamahalaang Panlalawigan ng pasilidad para sa layuning iyon.
“So ibig sabihin, hindi na nila (VISCOM) kailangan iwan kami kasi gusto rin nila kaming manatili kay Cebu is central man gud,” saad ni Garcia.
Idinagdag niya na magtatayo sila ng landing field para sa mga helicopter at eroplano sa property.
Samantala, sinabi ni Garcia na ang mga napagkasunduang lugar sa kanlurang mga bayan ng Tabuelan at Tuburan ay ibakuran at gagamitin bilang tambakan ng bala ng VISCOM.
“Ang Tabuelan-Tuburan area, para sa ilang ammunition area. Ang sa navy bumalik sila sa yuta sa Lapu-Lapu. Ang 53rd Engineering Brigade ay may yuta sa Medellin. Apan tabangan nato ang paglipat sa ilang antenna kay ila pa na taong patungo sa Marco Polo para mas malapad ang coverage,” ani Garcia.
Si DND officer-in-charge Jose Faustino Jr. at Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Lt. Gen. Bartolome Vicente Bacarro ay una nang nag-turn over ng 16 na parsela ng lupa na may lawak na 17.5 ektarya sa Pamahalaang Panlalawigan matapos nilang lagdaan ang isang deed of conveyance noong Oktubre 2022.
Ang Camp Lapu-Lapu ay sumasakop sa 80 ektarya ng lupa na kinabibilangan ng kabuuang 47 parsela ng lupa.
Ibinigay ng Pamahalaang Panlalawigan ng Cebu ang 80 ektarya sa noo’y 3rd Military Area noong 1959 sa kondisyon na gagamitin lamang ito para sa layuning militar. Nang maglaon ay naging Camp Lapu-lapu, punong-tanggapan ng AFP Central Command, na kalaunan ay pinangalanang Visayas Command.
Binabawi ng Kapitolyo ang buong ari-arian mula sa VISCOM matapos na malaman na ilang bahagi ng ari-arian ay hindi ginamit para sa layuning militar.
Sa 19 na karagdagang lote na nasa kustodiya ng Kapitolyo, ang mga titulo na lamang sa 12 lote ang natitira upang maibalik sa Kapitolyo kapag natapos na ang relokasyon at replikasyon ng mga pasilidad ng Viscom sa kani-kanilang mga natukoy na relocation site.